Josh Howard pinapirma ng Wolves ng 1-year deal

MINNEAPOLIS  -- Dahil siyam na players lang ang nasa kondisyon sa kanilang team  roster sa pagkaka-injury ng anim sa kanilang top-seven players, nangailangan ang Minnesota Timberwolves ng dagdag na player.


Kinuha nila ang player na inakala ng maraming Wolves fans na kukunin sa draft, isang dekada na ang nakakaraan.

Nakipagkasundo ang Wolves sa isang  one-year deal kay free agent forward Josh Howard nitong Huwebes ngunit hihintayin pang makapasa ito sa physical exam.

Dumating si Howard sa Twin Cities  nitong Huwebes ng hapon at plano sana siyang palaruin sa laban kontra sa Golden State nitong Biyernes ng gabi.

‘’We need somebody at that spot,’’ sabi ni coach Rick Adelman. ‘’We looked around and he seemed to be a good candidate.’’



Show comments