Horse of the year
MANILA, Philippines - Kung titignan ang mga naging past performance ng mga magagaling na kabayo ngayong taon, tatlong local na mga kabayo ang medyo nakaangat sa bentahan para sa Horse of the Year.
Ito ay ang Hagdang Bato ni Mayor Benhur Abalos Jr., Humble Riches ni Kenneth Causon at Magna Carta ni Michael Dragon Javier.
Ito’y dahil na rin sa kanilang mga naipakitang magagandang panalo sa mga malalaking karerang isinagawa ngayong taon.
Na-sweep ni Hagdang Bato ang prestihiyosong Triple Crown Series ngayong taong ito at ilan pa sa kanyang napanalunan ay ang Philracom Chairman’s Cup, National Grand Derby at dalawa pang monthly stakes races na inisponsoran ng Philracom.
Ang Humble Riches naman ang nagkampeon sa Don Juan Derby (ang kampeonato para sa mga local at imported 3-year-olds sa bansa), Lakambini Stakes (ang kampeonato para sa mga local 3-year-olds fillies), Mayor Bagatsing Memorial Cup Division I at isa pang stakes race na inisponsoran din ng Philracom.
Hindi rin matatawaran ang panalo ng Magna Carta sa mayamang pantaunang karera ng Silver Cup.
Pero hindi dito nagtatapos ang pagpili sa magiging horse of the year ngayong taong ito.
May isa’t kalahating buwan pa ang natitira at marami pang mga malala-king pakarera at stakes races ang magaganap bago matapos ang taong kasalukuyan.
At ang mga panalo ng mga mabibigat na contenders sa prestihiyosong award ay isinasama sa computation para sila manalo.
Nariyan ang Amb. Danding Cojuangco Cup, Presidential Gold Cup, Philracom Grand Derby at ang mga malalaking paka-rera pa ng dalawang horse owners’ group sa bansa – ang Marho at ang Philtobo.
Kailangang maipakita ng tatlong mga nabanggit na kabayo na magiging deserving sila sa pagiging horse of the year kaya isa o dalawa pa dito sa mga nabanggit na karera ang kailangan nilang mapanalunan.
Kapag nangyari ‘yun, sa kanila ang boto ng mga karerista para sila tangha-ling kabayo ng taon!
- Latest