Alas magpapahinga muna ng isang taon

MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ng outgoing Letran coach na si Louie Alas na hindi siya mag-e-entertain ng mga offers mula sa ibang eskuwelahan ng isang buong taon bilang respeto sa kolehiyong kanyang pinaglingkuran ng mahigit isang dekada.

“I will not any accept offers of a headcoaching job from any college for one year in case there will be offers,” sabi ni Alas matapos aprubahan ni  Letran rector at NCAA president Fr. Tamerlane Lana, OP, ang kanyang resignation bilang coach kaya hanggang Dec. 31 na lamang ito sa kanyang posisyon. “It’s a self-imposed one-year sabbatical.”

May mga balitang kinukuha si Alas ng Ateneo na iniwan ni Norman Black matapos silang bigyan ng five-peat sa UAAP para hawakan ang Talk N’ Text sa PBA at ang sinasabing kapalit ni Black na si Bo Perasol ay pinakawalan din ng Blue Eagles.

Isa sa katunayan si Alas na kandidato para mag-coach ng Ateneo, kasama sina Alex Compton, na kapareho niyang assistant coach sa Alaska Milk at ang kasalukuyang Adamson na si coach Leo Austria.

At ngayon, sina Compton at Austria na lamang ang pinagpipilian.

“Not this year because it will be disrespectful to Letran if I entertain offers from other college schools,” sabi ni Alas. “Next season after this year and after the playing years of my sons Kristoffer and Kevin expires, maybe I’ll start entertaining offers.”

Sinabi ng 49-gulang na si  Alas na hindi na siya hihingi ng extension matapos hawakan ang Muralla-based ng 14 seasons kung saan nanalo siya ng 138 games at natalo ng 68 at binigyan niya ng 3-titulo noong 1998, 2003 at 2005.

Show comments