^

PM Sports

Hanggang Dec. 31 na lang si Alas sa Letran Knights

JVillar - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ang ilang serye ng pakikipagpulong, ina-prubahan na ng Letran College ang pagbibitiw ni Louie Alas bilang head coach ng Knights sa NCAA.

Sa kabuuang 14 seasons ay tatlong korona sa NCAA ang naibigay ni Alas sa Letran. Ito ay noong 1998, 2003 at 2005.

“My resignation has been approved, its effectivity is on Dec. 31 to have smooth transition,” sabi ni Alas matapos ang naging desisyon ni school rector at Season 88 NCAA president Fr. Tamerlane Lana, OP.

Sinabi ng 49-anyos na si Alas, nagtala ng 138 panalo at 68 kabiguan sa kanyang labing-apat na taon bilang coach ng Knights, na ang kanyang assistants na sina Kris Reyes at Tino Pinat ang mamamahala sa koponan sa paglahok sa Phl Collegiate Champions League Sweet 16.

“Coaches Kris Reyes and Tino Pinat will stay until the same date and they will call the shots in the meantime,” wika ni Alas.

Ngunit sa kabila nito, sinabi ni Letran athletic director at NCAA Management Committee chairman Fr. Vic Calvo, OP na kukumbinsihin pa rin nila si Alas na manatili sa Letran.

“Personally, I’m still pitching for Louie (Alas), for me, he’s still the best coach,” ani Calvo sa PSA sports forum sa Shakey’s Malate. “Louie is still coach, he conducted practice earlier. His contract will end Dec. 31, we still don’t know what will happen between today and Dec. 31.”

 

ALAS

COACHES KRIS REYES AND TINO PINAT

KRIS REYES

LETRAN

LETRAN COLLEGE

LOUIE ALAS

MANAGEMENT COMMITTEE

PHL COLLEGIATE CHAMPIONS LEAGUE SWEET

TAMERLANE LANA

TINO PINAT

VIC CALVO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with