^

PM Sports

Cagayan, Erase Xfoliant umiskor ng panalo

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Muling naging puwersa sa ilalim si 6-foot-7 center Raymund Almazan para makabangon ang Cagayan Valley Rising Suns mula sa unang pagkatalo sa pamamagitan ng 85-70 panalo sa Ca­fé France sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Arellano University gym sa Legarda, Manila.

Naghatid ng team high na 15 puntos, 16 rebounds at 6 blocks si Al­mazan para sa Rising Suns na ibinaon ang Ba­­kers sa third period patungo sa ka­ni­lang 3-1 record.

Angat ang Cagayan, 47-44, nang maghatid ng apat na puntos si Almazan, habang tig-isang tres ang ginawa nina Adrian Celada at Mark Cruz para sa 15-3 palitan tungo sa 62-47 iskor.

May 19 puntos si Mike Parala para sa Bakers (1-1).

Ito dapat ang ikalawang sunod na pag­katalo ng koponan pero binaligtad ang 82-88 kabiguan sa Fruitas dahil sa pag­gamit ng ilegal na player ng huli.

Sinungkit din ng Erase Xfoliant ang kanilang ikalawang dikit na panalo sa 79-68 iskor laban sa Informatics sa inis­yal na laro.

Bumandera si Nate Matute sa 12-2 run nang maghatid siya ng pitong puntos para sa kanilang 40-33 abante.

ADRIAN CELADA

ARELLANO UNIVERSITY

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

D-LEAGUE ASPIRANTS

ERASE XFOLIANT

MARK CRUZ

MIKE PARALA

NATE MATUTE

RAYMUND ALMAZAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with