^

PM Sports

Budinger sasailalim sa surgery para sa kanyang knee injury

Pang-masa

MINNEAPOLIS -- Unti-unti nang nakikita ang hu­say ni Chase Budinger bilang swingman matapos ni­yang muling makasama si coach Rick Adelman sa Minnesota.

Ngunit isang knee injury ang nagpuwersa sa kanyang magpahinga para sa mga susunod na laro ng Tim­berwolves.

Nakatakdang sumailalim si Budinger sa isang surgery ngayong linggo para ayusin ang napunit niyang lateral meniscus sa kaliwang tuhod.

Ito ang inihayag ng Timberwolves noong Linggo ng gabi.

Si Budinger ang pinakahuling player na nagkaro­on ng injury para sa Timberwolves, naghahangad na ma­kapasok sa playoffs para sa unang pagkakataon ma­tapos noong 2004.

Halos isang buwan ang ipapahinga ni All-Star forward Kevin Love dahil sa kanyang nabaliang kanang kamay.

Sa Disyembre naman inaasahang makakabalik si point guard Ricky Rubio dahil sa kanyang ACL injury sa kaliwang tuhod na nangyari noong Marso.

Nagkaroon ng knee injury si Budinger noong Sa­bado sa kanilang laro ng Chicago Bulls nang bumagsak siya.

Siya ang pumalit kay Brandon Roy, may namamagang kanang tuhod, bilang starter ng Timberwolves.

Hindi rin nakakapaglaro si backup point guard JJ Barea dahil sa kanyang sprained left foot.

Sa layuning makapagdagdag ng mga beterano sa ka­nilang koponan, ibinigay ng Timberwolves ang ka­nilang pang-18th pick sa NBA Draft noong Hun­yo sa Houston para makuha si Budinger.

Si Budinger ay nakapaglaro na para kay Adelman sa Rockets noong 2010.

Sa Timberwolves, nagtala si Budinger ng ave­rage na 11.8 points para sa Wolves na nagposte ng magandang 4-1 panimula.

BRANDON ROY

BUDINGER

CHASE BUDINGER

CHICAGO BULLS

KEVIN LOVE

PARA

RICK ADELMAN

SHY

SI BUDINGER

TIMBERWOLVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with