2nd win kinuhang Ginebra Kings

Tinalo ng Barangay Gi­nebra San Miguel ang Talk ‘N Text, 104-101, no­­ong nakaraang Linggo sa MOA Arena sa 2012-13 PBA Philippine Cup eli­­mi­nations round.

Anu-ano ang mga implikasyon ng panalong iyon ng Kings?

*Pangalawang sunod na panalo na iyon ng Barangay Ginebra pagkatapos ng isang five-game lo­­sing streak.

*Pangalawang talo na iyon ng two-time defen­ding champion Tropang Tex­ters sa kanilang hu­ling tatlong laro matapos ng isang 6-0 na simu­la.

*Bigo ang Talk ‘N Text na maging unang ko­po­nan na makasungkit ng unang quarterfinal berth sa conference playoffs sa araw na iyon.

*Nabigo din noong Linggo ang Tropang Texters na bigyan ng regalo si head coach Norman Black sa bisperas ng kanyang ika-55 na kaarawan.

*Bigo din ang TNT na bigyan noong Ling­go si Black ng kanyang ika-500 na panalo sa PBA. Ma­giging pang-apat pa la­mang si Black na PBA coach na umabot sa 500 na panalo pagkatapos ni­na Baby Dalupan, Tim Cone at Yeng Guiao.

***

Pero bagama’t natalo, nakasungkit naman si Ali Peek ng Talk ‘N Text ng dalawang offensive rebounds kontra sa Barangay Ginebra na nagluklok sa kanya sa No. 4 sa all-time offensive rebounds sa liga sa likod lamang ni­na PBA legends Jerry Co­­diñera (2,411), Abet Gui­daben (2,373) at Mon Fer­nandez (2,217). May ka­buuang 1,944 offensive rebounds na si Peek sa kanyang career.

***

Habol din ng Talk ‘N Text ang pang-siyam na sunod na pag-abante nito sa conference playoffs.isang streak na nagsimula sa 2009-10 Philippine Cup.

***

Ang may hawak ng pi­­nakamahabang active streak sa pagpasok sa con­ference playoffs ay ang Barangay Ginebra na ambisyon ang kanilang pang-17 sa conference.

 

Show comments