Sa pag-eensayo ni Pacquiao sa Wild Card Roach laging nakabantay

MANILA, Philippines - Maski na nagtungo si­ya sa Las Vegas, Nevada noong Linggo ay alam pa rin ni chief trainer Freddie Roach ang ginagawa ni Manny Pacquiao sa kan­yang Wild Card Bo­xing Gym sa Hollywood, California.

“He’s doing great,” sa­bi ni Roach sa Filipino icon. “I’ve got great sparring so far. He boxed nine rounds and he did exactly what I wanted him to do; they sent me the tape and it went well.”

Bumiyahe si Roach sa Wynn Resort sa Las Vegas kung saan hinarap ng kan­yang alagang si light middleweight contender Vanes Martirosyan kay Erislandy Lara na nauwi sa technical draw.

Matapos ito ay kaagad na bumalik sa California si Roach para asikasuhin ang kanilang training camp ni Pacquiao.

Nauna nang sinabi ng five-time Trainer of the Year awardee na kaila­ngan nilang gumawa ng ba­gong estratehiya para tu­luyan nang mapatahimik si Juan Manuel Marquez.

Sa 2-0-1 win-loss-draw ring record ni Pacquiao laban kay Marquez sa kanilang tatlong laban, naniniwala si Roach na dapat na nilang baguhin ang kanilang plano.

Sa ikatlong paghaha­rap nina Pacquiao at Marquez noong Nobyembre ng 2011, ilang beses sinadyang tapakan ng Me­xi­can ang paa ng Filipino bo­­xing superstar para ma­kakonekta ng kanyang coun­terpunch.

Ito ang isa nilang pi­nag-aaralan.

Maglalaban ang 33-anyos na si Pacquiao at ang 39-anyos na si Mar­quez sa isang non-title, welterweight fight sa Disyembre 9 (Manila time) sa MGM Grand sa Las Vegas.

“Throw everything out the window and just fight this guy,” sabi ni Roach.

Samantala, sinabi ni strength and con­­ditioning coach Alex Ari­­za na wala na siyang na­­kikitang prob­lema sa kondisyon ng Fi­lipi­no world eight-di­vision cham­pion.

“It’s really good, man,” sabi ni Ariza kay Pac­quiao. “It’s like one of those things, it’s almost re­dundant, me sa­ying ‘It’s a great camp, everything’s going well’. But it’s still early, talk to me in a few weeks.”

 

Show comments