^

PM Sports

GTK inaawat sa POC elections

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - May mga taong kumakausap kay Go Teng Kok at hinihimok na umatras na sa planong labanan si Jose Cojuangco Jr. sa POC Election sa Nobyembre 30 sa Alabang Country Club.

Sa pagdalo ni Go sa Balitaan sa Hotel Rembrandt kahapon, isiniwalat niya na tatlong indibidwal na hindi niya pinangalanan, ang nakipagkita sa kanya at pilit na kinukumbinsi na huwag nang ituloy ang plano.

“The other night, three persons see me, asking me to drop my candidacy. Ang sagot ko ay hindi puwede dahil prinsipyo ang ipinaglalaban ko rito. I said if nobody will run against Mr. Cojuangco, I will at ito ang ginawa ko,” wika ni Go.

Hindi naman naiinis ang pangulo ng PATAFA sa pangyayari bagkus ay natutuwa siya dahil nararamdaman niyang problemado si Cojuangco na tinulungan niyang manalo sa huling dalawang eleksyon sa National Olympic Committee (NOC).

“Alam kong problemado siya sa pagtakbo ko. I have been receiving  a lot of texts and calls supporting my candidacy. I know I can win. Kung susuporta sa akin ang grupong kumalaban sa kanya sa last election, I think I have good chances of winning,” dagdag nito.

Hindi pa opisyal na itinalaga si Go bilang kandidato ng 3-man committee on election dahil hindi pa umano nakikita ng POC ang desisyon ng Supreme Court na tuluyang nagbasura sa apela na bawiin ang pagpanig sa kanya ng Pasig City Regional Trial Court sa ipinataw na ‘persona non grata’ noong nakaraang taon.

“Imposibleng hindi nila nakuha ‘yan. Bakit hindi nila tanungin ang kanilang abogado na nabigyan na ng kopya base sa record sa Supreme Court? Delaying tactics ang ginagawa nila sa akin dahil natatakot sila,” banat pa ni Go.

Si Atty. Luis Rivera ang counsel ng POC at siya ay napadalhan na ng desisyon at may receipt number na 52845.

ALABANG COUNTRY CLUB

GO TENG KOK

HOTEL REMBRANDT

JOSE COJUANGCO JR.

LUIS RIVERA

MR. COJUANGCO

NATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with