^

PM Sports

Alvarez ipinanalo ang Sincerely Devil

Pang-masa

MANILA, Pgilippines - Nakabuti ang pagbabalik ni jockey Mark Alvarez sa kabayong Sincerely Devil nang makuha ng tambalan ang  panalo sa nilahukang karera noong Miyerkules ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Huling dumiskarte si Alvarez sa nasabing kabayo noong Oktubre 13 at tumapos ang tambalan sa ikatlong puwesto  bago pinalitan nina RV Leona at RK Hipolito na kung saan ang kabayo ay nalagay lamang sa ikaapat at limang puwesto.

Sa class division I ginawa ang labanan at ang Sincerely Devil ang siyang napaboran ng mga  mananaya at hindi naman ito napahiya nang manalo laban sa hamon ng dehado pang Ideal View.

Si WP Beltran ang hinete ng Ideal View at nahigitan ng kabayo ang pang-apat na puwestong pagtatapos noong Oktubre 19 sa pagdiskarte rin ni Beltran.

Naghatid ng P6.00 ang win ng Sincerely Devil pero ang 5-10 forecast ay nagpamahagi  ng P30.00 dibidendo.

Tila may tulak ng hangin ang takbo ng Windy Hour na siyang pinakadehadong kabayo na nanalo sa ikalawang araw ng pista sa race track na pag-aari ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI).

Si RO Baylon ang hinete ng kabayo at hindi umubra ang hamon ng pitong iba pang kasali sa Handicap Race na pinag-labanan sa 1,200m para mapasaya ang mga dehadista.

Pangalawa lamang sa Windy Hour na ang hu-ling pinakamagandang puwestong kinalagyan ay nang pumangalawa noong Oktubre 11 sa pagdadala rin ni Baylon, ang mas napaborang Flag Bearer.

Kumabig ang mga nanalig sa husay ng Windy Hour ng P51.50 sa win habang ang 6-5 forecast ay naghatid ng P514.50 dibidendo.

vuukle comment

BAYLON

BELTRAN

FLAG BEARER

HANDICAP RACE

IDEAL VIEW

MARK ALVAREZ

OKTUBRE

PHILIPPINE RACING CLUB INC

SINCERELY DEVIL

WINDY HOUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with