Open forum para sa mga kandidato ng POC elections


MANILA, Philippines - Inaasahang malalaman ng 40 miyembro ng  Phi-lippine Olympic Committee ang plataporma ng mga kandidato para sa iba’t ibang posisyon sa POC Elections sa Nobyembre 30 sa pamamagitan ng isang open forum.

Sinabi ni Ricky Palou, isa sa tatlong miyembro ng POC elections committee na ang okasyon ay hindi  oras para mag-debate ang mga kandidato.

 “It’s not a room for debate. It’s not the place to argue,” wika ni Palou ng Ateneo kaugnay sa pinaplanong open forum sa Nobyembre 15.

Ang lahat ng 40 mi-yembro ng POC, bukod pa kay International Olympic Committee re-presentative to the Philippines, Frank Elizalde at dalawang miyembro ng athletes’ commission na sina boxer Harry Tañamor at long jumper Marestella Torres ay iimbitahan sa nasabing open forum.

Si dating congressman Victorico Chaves, namumuno sa elections committee, ang nakaisip sa open forum na layuning mabig-yan ng pagkakataon ang mga miyembro ng POC na malaman ang plataporma ng mga kandidato.

Si Bro. Bernie Oca ng La Salle ang ikatlong mi-yembro ng elections committee. Maliban sa presidency at chairmanship ng POC, paglalabanan din ang mga puwesto sa first at se-cond vice presidents, treasurer, auditor at directors.

Hangad ni Jose ‘Pe-ping’ Cojuangco, Jr. ang kanyang pangatlong sunod na termino bilang pangulo ng POC matapos mahalal noong 2004 at 2008. Si athletics chief Go Teng Kok ang lalaban kay Cojuangco.

Show comments