Presidente na ulit ng Amerika si Obama.
Resounding victory. Agad-agad sa kanila.
Nagbotohan sa umaga, sa gabi, alam na agad kung sino ang nanalo. Walang protestahan, walang iringan, walang bilangan ulit.
Nakaka-inggit. Sana ganyan na rin sa atin sa susunod na presidential election.
***
Si Bonnie Garcia pa rin ang head coach ng Lyceum of the Philippines. Hindi siya papalitan. Buo pa rin ang kumpiyansa ng Lyceum management sa kanya.
***
Nakabalik na ang UE Warriors mula sa isang liga sa Taipei. Hindi sila nakalaro sa finals ng Unigames dahil sa ligang ‘yan. Nagkasabay.
Pagbalik nila the other day, lumaban na sila agad sa PCCL wild card. Talo sila sa St. Clare.
Baka may jetlag pa.
***
Next week na magre-resume ng practice ang San Beda Red Lions. Paghahandaan nila ang Champions League kung saan seeded na sila bilang NCAA champions.
Lalaruin ang PCCL sa Tanuan, Batangas sa Faith Academy.
***
Nanalo ang Erase Xfoliant team laban sa Cagayan Rising Suns.
Nagawa nila ‘yan na may dalawang suspended na players (Acosta at Vijandre) at may sidelined na isang player dahil ga-ling sa sakit (Stevens).
Nahinto ang two-game winning streak ng Cagayan Rising Suns.
Nasa Cagayan na rin si Mark Cruz, ang top pointguard ng Letran Knights. Magkasama na sila ni Raymond Almazan.