Kawawa naman si Dylan Ababu.
Napaka-simple ng aksyon nung makuha niya ang injury niya. Pagkatapos ng laro, tumungo na agad siya sa St. Luke’s Global at nagpa-MRI.
Within minutes, torn ACL ang findings.
Ilang buwan din siyang hindi makakalaro at magpapa-rehab siya. Kung kailan pa naman maganda ang inilalaro niya at saka pa ito nangyari.
***
Ngayong wala na sa Ginebra si John Wilson, tingnan mo’t ang ganda ng ipinapakita sa team niya ngayon.
Kailangan lang talaga na mabigyan ng magandang playing time at kumpiyansa. Bagay na hindi niya nakuha sa Ginebra nung naglalaro pa siya dun.
***
Kahit si Enrico Villanueva. Maganda rin ang ipinapakita sa Barako Bull ngayon. Noon ay halos hindi na ‘yan nakapaglalaro sa Ginebra. Ngayon, kita n’yo nga’t ang laking bagay niya para kay Junel Baculi.
***
More than 19,000 ang crowd attendance sa Araneta Coliseum nang magharap ang Ginebra at San Mig Coffee nung Linggo. To think na eliminations pa lang ‘yan. Tinalo pa ang opening day record sa crowd attendance.
Ibig lang sabihin n’yan, ang Ginebra at ang San Mig Coffee ang siyang dalawang pinakasikat na teams ngayon sa pba.
Walang duda ‘yan
***
Ongoing na ang wild card round ng PCCL.
Kahapon ay naglaro na ang mga college teams na nasa wild card.
By Thursday, alam na natin kung sino sa kanila ang magku-qualify sa next round.