MANILA, Philippines - Dalawang koponan ang nais ipagpatuloy ang kanilang pagpapanalo samantalang dalawang po-werhouse teams naman ang nais makabangon sa pagpapatuloy ng eliminations ngayon sa PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Makakaharap ng Go-vernors Cup champion Rain or Shine ang pinakamainit na koponan sa conference na Alaska sa alas-5:15 ng hapon kung saan solo second place ang nakataya samantalang salpukan ng mortal na magkaaway at pre-tournament favorites na Talk ‘N Text at Petron Blaze sa alas-7:30 ng gabi.
Nasa isang three-way tie ang Elasto Painters at Aces sa pangalawang puwesto kasama ng San Mig Coffee sa kanilang pare-parehong 5-2 na panalo-talo karta.
Nangunguna pa rin ang two-time defending champion Tropang Texters sa 6-1 record nito samantalang nasa gitna naman ng standings ang Boosters sa kanilang 3-4.
Pinakamainit na koponan sa kasalukuyan ang Alaska na nasa isang five-game winning, ang pinakahuling panalo nito, isang morale-boosting 94-92 na desisyon na nagbigay sa TNT ng unang pagkatalo nito sa confe-rence pagkatapos ng 6-0 na simula.
Ito na ang pinakamahabang win streak ng Aces mula pa noong 2009-10 Philippine Cup kung saan napanalunan nila ang 11 sa kanilang unang 12 laro sa conference kabilang ang 6-0 na simula at isang 5-game win streak matapos malasap ang unang talo.
Pero hindi nalalayo ang Rain or Shine na nanalo ng apat sa huling limang laro nito, ang pinakahuli pa’y nagresulta sa pinakama-laking winning margin sa conference, isang 106-81 na pananambak sa Meralco noong Linggo.
Nais namang bumalik sa panalo ng Talk ‘N Text pagkatapos ng masakit na talong iyon sa Aces noong Biyernes nang kumalabog at lumabas ng ring ang tira ni Larry Fonacier sa buzzer na nagdala sana ng laro sa overtime.