Gordon masaya sa Hornets

NEW ORLEANS -- Pinasinungalingan ni Eric Gor­don na hindi siya masaya sa paglalaro niya sa New Orleans Hornets.

Sinabi rin niyang totoo ang injury sa kanyang ka­nang tuhod.

Ayon kay Gordon, hindi nakuha sa U.S. Olympic team  para sa 2012 Olympic Games sa London noong Agos­to, gustung-gusto niyang maglaro para sa Hornets.

Pinantayan ng Hornets ang four-year, $58 million offer mula sa Phoenix Suns.

“I know things haven’t been going as well as hoped,” wika ni Gordon matapos ang kanilang ensayo sa training facility ng New Orleans. “It’s tough as a pla­yer to go through these things.”

Show comments