Gordon masaya sa Hornets
NEW ORLEANS -- Pinasinungalingan ni Eric Gordon na hindi siya masaya sa paglalaro niya sa New Orleans Hornets.
Sinabi rin niyang totoo ang injury sa kanyang kanang tuhod.
Ayon kay Gordon, hindi nakuha sa U.S. Olympic team para sa 2012 Olympic Games sa London noong Agosto, gustung-gusto niyang maglaro para sa Hornets.
Pinantayan ng Hornets ang four-year, $58 million offer mula sa Phoenix Suns.
“I know things haven’t been going as well as hoped,” wika ni Gordon matapos ang kanilang ensayo sa training facility ng New Orleans. “It’s tough as a player to go through these things.”
- Latest