MIAMI -- Ikinagulat ni Dwyane Wade ng nagdedepensang Miami Heat ang maganda niyang kondisyon para sa kanyang pang 10 season sa NBA matapos ang isang knee injury.
Umiskor si Wade ng 29 points sa 120-107 panalo ng Heat laban sa Boston Celtics sa kanilang season opener noong Martes.
Si Wade ang sinandalan ng Miami sa second half nang magkaroon si NBA MVP LeBron James ng leg cramps.
“Way ahead of schedule,” wika ni Fil-Am Heat coach Erik Spoelstra kay Wade, ang 2006 NBA Finals MVP na hindi sumali sa kanilang ikalawang araw ng training camp.
“It was absolutely the right decision on his part this summer to take care of his knee with that procedure, and then he did his part of making sure he came into camp in the best condition he could,” dagdag pa ni Spoelstra.
Ang naunang season-high ni Wade para sa kanyang unang laro sa season ay 26 points.
“Now we can focus in on getting better as a team,” ani Wade.
Sunod na makakaharap ng Heat ang New York Knicks sa Biyernes.
Ipinagpaliban ang season opener ng Knicks at Brooklyn Nets noong Huwebes dahil sa pananalasa ng ‘Hurricane Sandy’ sa New York.