Para tutukan nang husto ang kanilang paghahanda: Training camp ni Pacquiao ipinasara ni Roach sa mga miron at pastor

MANILA, Philippines - Sa tuwing matatapos ang kanyang tai­ning sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California ay makikita si Manny Pacquiao na naglalaro ng chess.

Kung hindi man mga piyesa ng chess ay ang Bibliya ang hawak ni Pac­quiao.

Kalmado at wala nang masyadong ini­isip ang Filipino world eight-division champion kumpara sa kanyang na­ging paghahanda laban kay Timothy Brad­ley, Jr. kung saan siya natalo via split decision noong Hunyo 9.

Kahapon ay naging istrikto na si chief trainer Freddie Roach kaugnay sa mga pumapasok sa kanyang boxing gym.

Maging ang mga pastor na pala­ging bumibisita kay Pacquiao bago ang ka­nilang upakan ni Bradley ay hindi na rin nakikita sa Wild Card Gym.

Kumpiyansa si Roach na maibabalik niya ang 25-anyos na Pacquiao sa pag­sagupa kay Juan Manuel Marquez sa ikaapat na pagkakataon sa Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Sinimulan na ni Pacquiao ang kanyang pakikipag-spar kina Mexican-Ame­rican Ray Beltran at Russian fighter Suhrab Shidaev.

Inaasahan ring makaka-spar ng 33-anyos na si Pacquiao sina Russian bo­xer Ruslan Provodnikov, nakatuwang ni­ya sa paghahanda laban kay Bradley, at welterweight Frankie Gomez.

Maghaharap sina Pacquiao (54-4-2, 38 KOs) at Marquez (54-6-0, 39 KOs) sa isang non-title, welterweight fight.

Samantala, inaasahan ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na mapapana­lisa niya ang laban nina unified world su­per bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. (30-1-0, 19 KOs) at Mexican great Jorge Arce (60-6-2, 46 KOs) sa Disyembre 15 sa To­yota Center sa Houston, Texas.

“Well, that certainly looks like it’s co­ming into play. And we still have to get contracts back,” ani Arum. “We’ll have an announcement shortly and hopefully a press conference in Houston next week.”

Show comments