NBA news-NBA news: Knicks-Nets game ipinagpaliban sa New York
NEW YORK -- Makikita ang Barclays Center sa isang pangunahing mass-transit hub, isang angkop na destinasyon para sa mga fans sa New York.
Ngunit dahil sa pagbaha sa mga subways bunga ng pananalasa ng ‘Hurricane Sandy’, nagdesisyon ang New York City Mayor na hindi ito ang tamang panahon para sa isang laro.
Hiniling ni Mayor Michael Bloomberg sa NBA na ipagpaliban ang season opener ng Knicks at Brooklyn Nets.
“It’s a great stadium, it would have been a great game, but the bottom line is: There is not a lot of mass transit. Our police have plenty of other things to do,” wika ni Bloomberg sa isang news conference.
Makikita ang Barclays Center sa itaas ng Atlantic Avenue subway station complex na naglalaman ng siyam na subway lines at isang Long Island Rail Road station.
Ito ay pinalaki pa mula sa $1 bilyon na pagpapagawa sa arena.
Naniniwala ang Nets na ito ay magiging isang malaking selling point sa paghakot ng mga fans kumpara noong nasa New Jersey pa sila.
Ngunit bunga ng pagbaha sa mga subways, pumayag na rin ang Nets na ipagpaliban ang kanilang laro ng Knicks.
“We’re disappointed that we can’t play, but there’s a lot more important things going on right now, a lot of people displaced from their homes, a lot of people lost loved ones. So in the grand scheme of things, a basketball game really doesn’t mean much right now,” ani Nets point guard Deron Williams. “I think it’d be hard for a lot of people to even get to the game in the first place, with public transportation being shut down. I guess it makes sense to not have the game.”
- Latest