^

PM Sports

Isa lamang sa winning streak ng TNT at Alaska ang mananatili pagkatapos ng kanilang laro

Fidel Mangonon III - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kaninong winning streak ang patuloy na ma­bu­buhay sa Araw ng mga Pa­tay?

Iyan ang malalaman sa pag­haharap ng dalawang ka­­salukuyang pinakama­init na koponang Talk ‘N Text at Alaska sa All Souls Day na paghahan­dog ngayon ng PBA Phi­­lip­pine Cup sa Smart Ara­ne­ta Coliseum.

Makakaharap ng two-time defending champion at nag-iisang koponan na la­mang na walang talo sa con­ference na Tropang Tex­ters ang Aces sa alas-7:30 ng gabi matapos ang pambungad na laban ng Petron Blaze at Air21 sa alas-5:15 ng hapon.

Walang bahid na 6-0 ang conference-leading na panalo-talo karta ng Talk ‘N Text na hangad ding tab­lahin ang kanilang all-time best na simula sa isang conference o season na kanilang naitala sa 1999 All-Filipino Cup nang kilala pa bilang Mobiline.

Nasa isang four-way tie naman ang Alaska sa pa­ngalawang puwesto ka­sama ng San Mig Coffee, Rain or Shine at Meralco sa kanilang pare-parehong 4-2 records.

Pero ang Aces ang pa­ngalawang pinakamainit na koponan matapos ang TNT mula sa kasaluku­yan nilang four-game winning streak matapos ng isang 0-2 simula sa tor­­neo.

Ito na ang pinakama­ha­bang win streak ng Alaska sa post-Time Cone era at mula nang winalis ni­la ang Barangay Ginebra sa kanilang 2009-10 Phi­lippine Cup best-of-7 se­mifinal series.

Pero hindi raw ga­anong pinag-iisipan ni TNT head coach Norman Black ang tungkol sa kahit na anong win streak.

“I’m not really thin­king about it. I’m aware we’re 6-0. So the next goal is just to make it 7-0,” pahayag ni Black, ang beteranong coach sa PBA at UAAP.

“From my experience, the easiest route to championship is the best route. I mean, if you’re sitting on any of the top spots, things are easier for you – you play less games and just try to keep the players healthy and fresh. It’s just trying to win as many games as possible so later on it’s easier to reach your goal,” paliwanag pa nito.

Para naman kay Alaska head coach Luigi Tril­lo, masusubukan nang husto ang Aces laban sa isang koponang malakas na pero lalo pang lumakas da­hil sa depensa nito.

“What worries me is that this (TNT) team knows each other so well. People don’t realize how good they are also defensively. Norman’s teams play defense. They are not just a drive and kick team anymore. They have multiple plays which look for the mismatch,” paliwanag ni Trillo, na nasa kanyang pa­ngalawang conference pa lamang sa koponan pe­ro nabigyan na niya ito ng pinakamahabang win streak at pinakamara­ming pa­nalo sa isang confe­rence mula nang nawala si Cone.

Pero makakaharap ng Aces ang tanging kopo­nang hindi pa nila tinatalo sa loob ng nakaraang da­la­wang seasons.

“Good. More motivation to beat them,” wika pa ni Trillo.

Mula nang tinalo ng Alaska ang Talk ‘N Text 4-3 sa kanilang best-of-seven semifinals series – bagamat nadehado sa serye, 2-3 -- patungo sa pagpanalo ng 2010 Fiesta Conference sa piling ni import Diamon Simpson bilang import ay natalo ang Aces sa kanilang hu­ling pitong paghaharap kontra sa Tropang Texters sa anim na con­ferences.

ALL SOULS DAY

ALL-FILIPINO CUP

BARANGAY GINEBRA

DIAMON SIMPSON

FIESTA CONFERENCE

LUIGI TRIL

N TEXT

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with