May injury si Granger

INDIANAPOLIS -- Sisimulan ng Indiana Pacers ang season na wala si star forward Danny Granger na may namamagang kaliwang tuhod.

Sinabi ng Pacers na kukuha pa ang kanilang top sco­rer at dating All-Star ng ikalawang opinyon mula sa isang duktor dahil sa kanyang knee injury na kanyang natamo sa Eastern Conference semifinals.

Makakalaban ng Indiana para sa kanilang season ope­ner ang Toronto.

Si Granger ay nagtala ng team-best 18.7 points per game average sa nakaraang season.

Malabo ring nasa kondisyon si starting point guard George Hill. Hindi naglaro si Hill sa anumang presea­son games ng Pacers bunga ng kanyang injury sa da­liri.

Sinabi ni coach Frank Vogel sa The Indianapolis Star na maglalaro si Hill laban sa Raptors.

Show comments