OKLAHOMA CITY -- Ginamit ng Oklahoma City Thunder ang kanilang opsyon kay Reggie Jackson para mapanatili ang guard sa kanilang koponan hanggang sa 2013-14 season.
Inihayag ito ni general manager Sam Presti.
Nagtala si Jackson ng mga averages na 3.1 points at 1.6 assists sa 45 laro bilang rookie sa nakaraang season matapos hugutin bilang 24th overall pick sa 2011 draft.
Nagsilbi siyang backup point guard ng Thunder nang magkaroon ng knee injury si Eric Maynor ngunit inilaglag sa rotation matapos makuha ng Oklahoma City si veteran Derek Fisher.
Dati nang nakikipag-agawan si Jackson kay Maynor para sa posisyon ng backup point guard sa kanilang training camp.