^

PM Sports

Fil-Am pitcher hindi makakalaro para sa Philippine baseball team

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malabong makalaro sa pinalakas na Na­­tional baseball team ang mahusay na San Francisco Giants Fil-American pit­cher na si Tim Lin­cecum.

Sa pagdalo sa PSA Forum sa Shakey’s Ma­late kahapon ni PABA international affairs director Hector Thomas Navasero, nag­bigay na ang Giants ng go-signal para ma­kausap si Lincecum ngunit malaki ang po­sibilidad na hindi siya makapagsuot ng Pambansang uniporme dahil sa mga ki­na­kaharap na problema.

May balitang balak i-trade si Lin­cecum na umalingawngaw ang pa­­ngalan nang tulungan niya ang Giants na manalo sa 2010 Major Lea­­gue Baseball.

Kampeon uli ang Giants sa taong ito pero reliever na lamang si Lincecum sa mound.

“We were told that he has yet to ma­ke a personal decision regarding our offer. It’s most likely that he will not suit but may play if we reach the World Baseball Classic tour­na­ment pro­per,” wika ni Navasero na si­na­mahan ng kanyang amang si PA­BA pre­sident Hector Navasero.

Wala man ang mahusay na pit­cher, tiwala naman ang batang Na­­­vasero na palaban ang 28-man Na­­tional team sa paglahok sa qualifying round sa New Taipei City mu­la Nobyembre 14 hanggang 18.

Sa bilang na ito ay 14 ang Fil-Fo­reign players at siyam ang Fil-Ams na pangungunahan ng isa pang da­ting Giants pitcher na si Gelo Espi­neli.

Hindi ibinigay ni Navasero ang kum­pletong pangalan ng mga hugot pe­ro tiniyak niyang mahuhusay ang mga ito dahil naglaro sila sa Major Lea­gue Baseball at Minor League.

Magpapalakas din sa kopo­nan ang 21-anyos na si Fil-Japane­se pit­cher Ryuya Ogawa.

vuukle comment

GELO ESPI

HECTOR NAVASERO

HECTOR THOMAS NAVASERO

LINCECUM

MAJOR LEA

MINOR LEAGUE

NAVASERO

NEW TAIPEI CITY

RYUYA OGAWA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with