MANILA, Philippines - Kumpiyansa ang Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) na malaki ang maitutulong ni Irish boxing coach Kevin Smith sa kanilang programa bilang consultant.
Si Smith, naging mentor ng mga National teams ng Scotland, Nigeria at Tanzania at ngayon ay nakabase sa Liverpool, England, ang nagsilbing assistant ni National coach Roel Velasco sa pagsabak ni Mark Anthony Barriga sa nakaraang 2012 Olympic Games sa London.
Naniniwala si Smith, dumating sa bansa dalawang linggo na ang nakararaan, sa talento ng mga Filipino boxer at coaches.
“It’s obvious that they have the natural talent good reflexes. There’s a lot of talent for the international scene. I’ve see a lot of promising boxers in the seniors and juniors squad,” ani Smith sa PSA forum kahapon sa Shakey’s Malate.
Malugod namang tinanggap nina Velasco at coach Ronald Chavez ang pagiging consultant ni Smith.
“Approachable talaga siya, kaya walang problema sa amin,” ani Velasco kay Smith.