MANILA, Philippines - Na-ban si jockey RF Torres sa bagong karerahan ng Metro Turf Inc.
Ito ay matapos patawan siya ng 312 racing days suspensyon ng karerahan sa Malvar, Batangas dahil sa kawalan ng interes na ipanalo ang diniskartehang kabayo.
Nangyari ito noong Marso 26 sa kabayong Madame Dixie sa class division 3 sa race 3 at nilahukan ng 10 kabayo, kasama ang coupled entry.
Pumangalawa ang nasabing kabayo na hawak ni Torres sa paboritong Yes Boy ngunit kaduda-duda umano ang diskarteng ginawa ng hinete dahil ipinirmis nito ang Madame Dixie upang mawalan ng tsansang manalo.
Si Torres ang ikatlong hinete na pinatawan ng suspensyon sa nasabing racing club pero ang dalawang jockeys ay dahil sa lack of interest.
Ang mga ito ay sina AC De Guzman at Rustico Telles sa mga karerang nangyari noong Marso 23 at 26.
Dinala ni AC De Guzman ang Lively Dude habang si Telles ay ibinandera ang Sweet Julliane na pinagbawalang magrenda sa loob ng 24 na racing days.
Noong Abril 3 ay binigyan naman ng paalala sina Pat Dilema at Karvin Malapira dahil ang mga hina-wakang Lively Dude at Sweet Julliane ay hindi agad na inilagay sa pinakamagandang puwesto na dapat ay nangyari sa pagbukas ng aparato.
Naghihigpit ang Metro Turf Club upang matiyak na lahat ng mga kabayong kalahok ay magiging palaban sa bawat races na nakaprograma upang ikatuwa ng mga karerista.