Dear Vanezza,
Promise ng anak ko na nasa Canada ay sagot niya lahat ang gastusin namin ng tatay niya dahil kami na lang ang naiwan sa bahay. Lahat ng limang anak namin ay may asawa na. So hindi nag-alala ang mga anak ko sa mga needs namin ng tatay nila. Kaso biglang dumalang ang pagpapadala ng anak ko mula sa Canada. Hiwalay na siya sa asawa niya, pero nagkaroon agad siya ng nobya na taga-Bicol. Wala raw siyang pera, pero panay ang post tungkol sa GF na single mother. Baka kaya nagkukulang siya ng budget ay dahil sagot din niya ang gastusin ng GF nito at mga anak ng babae. Ano ba ang dapat ko gawin? Tama ba ang hinala ko? – Janet
Dear Janet
Maaaring may bahid ng katotohanan ang iyong iniisip. Ang maganda ay kamustahin ang anak at medyo tanunin sa maayos na paraan ang tungkol sa kanyang GF na baka nga sagot pa niya ang gastusin ng pamilya nito. Puwede rin na hanggang maaari ay huwag nang umasa sa inyong anak kung mayroon ding pension na pagkasyahin sa inyong budget. Kaysa umasa pa sa iba.
Sumasainyo,
Vanezza