Zombie Family (384)
Hanggang maubusan na ng maibabato at mababasag sa loob.
Pero nagpapadala pa rin ng galit.
Napatingin sa mga nitso, dalawang magkahiwalay ang mga ito.
“Mga b’wisit na patay kayo! Wala na kayong pakialam kasi nagpapahinga na lang kayo forever! Mga b’wisit kayo!”
Kumuha ng mga bato sa labas.
At pinagbabato ang mga nitso. “Gumising kayo! Gumising kayooo at maging zombie na rin! Para makita n’yo ring pumangit na kayo!”
Hanggang pati ang galit ay maubos.
Napangiti ang flying zombie, umasam. “H-Hindi na ako galit … siguro babalik uli ako sa superganda!”
Tumayo sa gitna ng musoleyom, ngiting-ngiti. “Hayan, o. Hindi na nga ako galit. Kaya balik na ako sa superganda, please. Please naman.”
Pero gaya ng na-experience niya noon, alam niyang matagal din bago nawawala ang epekto ng kanyang galit.
Bumilang ng ilang araw.
Nakaramdam na naman ng galit. Sa entity o hindi nakikitang kapangyarihan na gumagawa nito sa kanya.
“Bakit ganitooo? Hindi ba masama ka? Bakit mo ako pinaparusahan kapag nagagalit akooo? Bakit ako nagiging napakapangit na flying zombie na naman? Dapat tuluy-tuloy lang ang ganda ko! May limitasyon ka! At ang limitasyon mo, kabobohan paaa!”
Ang madilim na entity na nasa paligid lang naman ay galit din. Hindi kay Leilani.
Kundi sa tunay na kalaban.
Ang Diyos ng kabutihan.
Para sa kanya sinasabotahe ng Diyos ang kanyang kapangyarihan. Hindi naman niya kagustuhan na kapag nagagalit ang kanyang kampon ay nagiging nakakadiring flying zombie na naman ito.
Pero ayaw mang tanggapin, alam niyang may limitasyon nga ang kanyang kapangyarihan.
Nagiging kapus tuloy siya.
Nagiging miserable tuloy ang mga kampon niya kahit pa mga nagpi-perform naman ang mga ito.
Kaya nabibigo pa rin siya. Natatalo pa rin siya. Bigla na lang nawala ang black entity, tumakas muna sa katotohanang ito. - ITUTULOY
- Latest