^

Para Malibang

Home Quarantine laban sa COVID-19

PITO-PITO - Pang-masa

Sa rami ng mga confirm cases na nahawaan ng coronavirus sa buong mundo na napilitan din maging ang ‘Pinas na ipatupad ang totally lockdown sa iba’t ibang lugar sa bansa. Upang aktibong ma-monitor at sinusubukang mapigilan ang transmission ng sakit sa tinatawag na COVID-19.

Hinihiling ng gobyerno ang bawat indibidwal at pamilya na magkaroon ng self o home quaratine na panatilihin ang isolation. Kung hindi mapigilan ang paglabas ng bahay ay kailangan pa rin gawin ang space distancing upang  hindi nga mahawa ng virus. Lalo na kung nagbiyahe sa loob ng 14 days sa ibang bansa o nagkaroon ng close contact sa isang tao na nagpakita ng COVID-19 symptons o totally na mayroon sintomas ng nasabing virus ng indibidwal.

Kung walang  encounter ng COVID-19 ay panatilihin ang quarantine na lumayo sa mga tao kahit sa loob ng bahay na hanggang maaari ay manatili sa magkabilang kuwarto at magkahiwalay rin na gumamit ng banyo kung available. Limitahan muna ang contact sa mga alagang hayop kahit na maliit lamang ang tsansa na mahawaan ang aso o ibang alagang pets. Huwag munang tumanggap ng bisita maliban kung kailangan itong pumunta sa inyong bahay. Kung kailangan ng medical attention ay tumawag muna sa inyong doktor o medical provider upang masigurado na gawin ang necessary precautions. Huwag kalimutan na magsuot ng mask kung nagkataon na napapaligiran ng mga tao kung pupunta sa doktor o ospital kung may sakit. 

Ganundin kung inu­ubo o sinisipon. Takpan ang bibig at ilong gamit ang tissue. Itapon agad ang tissue sa basurahan. Maghugas ng kamay na may sabon at tubig ng at least 20 seconds. Kung walang available na tubig ay gumamit ng hand sanitizer na may at least 60% alcohol. Huwag kalimutan na huwag munang mag-share ng mga household items. Kasama ang baso, eating utensils, tuwalya, at  kahit ang mga beddings. Hugasang mabuti ang mga kutsara, tinidor, pinggan, at baso pagkatapos gamitin. Linisin ang lahat ng paligid ng bahay na maaaring kontiminado ng dugo, stool, at bodily fluids. Hayaan na magkaroon ng tamang daloy ng hangin sa loob ng bahay. Puwedeng gumamit ng air conditioner o magbukas ng bintana. Patuloy na mag-monitor ng mga sintomas. Kung malala ang sitwasyon na nagsisimulang nahihirapan na huminga ay tumawag muna sa inyong health care provider o doktor. Pero please huwag mag-overacting kahit magkaroon ka ng lagnat o naging positive sa COVID-19 ay marami pa rin ang guma­galing. Kailangan lamang ay mapigilan ang pagkalat kaya nga importante ang home quarantine. Ang tanong ay kung kailan ba matatapos ang isolation ay depende sa kaso. Kaya nga i-check muna sa inyong doktor o HMO bago gumawa ng pagbabago.

Ang totoo hanggang wala pang lunas para sa COVID-19, ang lahat ng tao ay subject pa rin sa social distancing, self-qua­rantine, o home quarantine.

Sa mga kailangang gaya ng groceries at toiletries ay puwede naman pa-deliver sa mga local store.  Lahat ay kailangan magsakripisyo na sumunod sa mga ginagawang precaution ng ating gobyerno. Walang mahirap o mayaman kundi lahat ay magpasakop sa mga quarantine sa ating mga communities. Para mabilis na ma-trace kung paano mapigilan ang virus.

Higit sa lahat ay manalangin na magabayan at maprotektahan ang lahat laban sa mapanganib na coronavirus. Hindi makatutulong ang panic, bagkus ay kumalma upang makapag-isip ng tamang gagawin.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with