Dear Vanezza,
Sarap kastiguhin ang katigasan ng ulo ng anak ko na hindi mapirmi sa loob ng bahay kahit laganap na ang coronavirus. Mas nakikinig pa sa mga kaibigan kaysa akin na nanay niya. Nakakatakas ang anak ko na lumarga dahil wala akong choice kundi pumasok sa opisina or else ay wala akong susuwelduhin. Single mother ako at hindi rin sila magkasundo ng kuya niya sa bahay. Paano ko ba masusupil ang katigasan ng ulo ng anak ko? – Nanay Waning
Dear Nanay Waning,
Maaaring kulang kayong mag-ina sa komunikasyon ganundin ang kanyang kapatid na lalaki. Pagtiyagaan na kausapin ng malumanay ang anak, upang mabasag ang matigas niyang ulo mula sa lambing at masuyong pakikipag-usap sa anak. Iba na ang kabataan ngayon, kaya gamitan mo ng reverse psychology.
Sumasainyo,
Vanezza