Mabahong amoy ginagamit para bakuran ang teritoryo
Sa kabila ng pagkakaroon ng hitsurang pusa at katawan ng isang oso, ang binturong ay mas malapit na kamag-anak ng mga civets at fossas, isang klase ng cat-like mammals na native sa Asia at Africa.
Makikita rin ito sa bansa gaya ng sa Palawan.
Isa pa sa nakatutuwang katangian ng binturong ay ang kanilang kakaibang amoy.
Amoy hot buttered popcorn sila. Ang aromang ito ay galing sa kanilang urine at may taglay na compound na 2-AP, na siyang nagbibigay ng mabango at mabaho nilang amoy.
Ginagamit din ng binturong ang kanilang mabahong amoy para i-claim ang kanilang teritoryo at maka-attract ng kanilang mates.
- Latest