^

Para Malibang

Sexting na lason sa isipan ng mga teenagers

TINTA NG MASA - Lanie B. Mate - Pang-masa

Sa resulta ng pag-aaral, naipakita sa ilang data na ang sexting ay naging karaniwan na lamang sa mga adolescents. Imagine mula sa edad na 12 hanggang 17 years old na ang average na age 15 years old ay expose na sa ganito ng uri ng komunikasyon.

Halos isa sa apat na teens ay nakatatanggap ng sexually explicit text at emails. Mayroon din isa sa pitong kabataan ang nagpapadala ng sexting sa mga kapwa nila teenagers. Mahigit 1 sa sampung teens na nagpo-forward ng sexting na walang consent siyempre ng magulang na lihim itong ginagawa ng mga bagets. Or else ay bugbog sarado ang anak na mahuhuli sa ginagawa nitong pag-sexting.

Isa rin sa mga 12 teens ay mayroong sexting messages na natatanggap kahit walang consent ng receiver.

Kapag ang mga young people ay naka-receive ng sexting, madalas ay nawawala ang kanilang kontrol sa sitwasyon. Ang mga messages ay  mada­ling ma-forward na isang click lang sa mobile phone sa gustong padalhan. Sa pagkakataon na ang sexting ay ipinadadalhan sa mga teens ay isang uri ngayong ng cyberbullying. Ang problema ang sexting ay hindi lamang limitado sa mga private messages sa mga social media. Kahit offline na ang anak sa Internet ay open na nakatatanggap ang mga bata ng mga malalaswang text messages sa kanilang mobile phones.  Domino effect din na kapag na-forward ang mga palitan ng mga sexting sa kanilang mga peers, school, kapitbahay, o baranggay ay nagdudulot ng kahihiyan sa biktima. Sa ganitong pangyayari ay nagti-trigger ng symptoms ng anxiety at depression na nagpapahirap sa teenager na ilabas ang kanyang nararamdaman. Ang tendency ay nagkukulong ang anak sa kuwarto. Ayaw pumasok sa school, umiiwas sa social activities, at ang ibang negatibong consequences dahil sa palitan ng sexting sa kung sinoman.

Malaking bagay ang magagawa ng magulang. Tandaan, kung ang anak ay edad 10 years old pa lamang, importante na magkaroon ng madalas na open at honest communication sa kanilang tweens at teens na anak hanggang maaga. Matutulungan kung may rules kung kailan at para saan lamang ginagamit ang smart phone o computer sa bahay. Maglagay sa setting ng CP o computer sa bahay ng puwedeng ma-access lamang na puwedeng magamit ng anak. Turuan ang anak na ginagamit lamang ang mga gadgets sa positibo at healthy na paraan lalo na sa communication ng ating mga technology. Upang kontrol at maiwasan na ma-entertain ng anak ang mga sexting na lumalason sa isipan ng mga anak.

SEXTING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with