Natatakot ngayon ang buong sanlibutan dahil sa kumakalat na pandemya, ito ang coronavirus o COVID-19 kung tawagin na nagsimula sa lugar ng Wuhan sa China. Ganunpaman, totoo nga kayang ‘history repeat itself?’ base kasi sa isang teorya na pinaniniwalaan ng ilan, parang may pattern ang mga pangyayari at mga kumalat na sakit simula pa man noong 1720.
1720- The Great Plague of Marseille (Bubonic Plague) – pinakatumatak na European outbreak kung saan halos 100,000 katao ang namatay sa Marseille, France dahil sa virus na galing sa mga daga.
1820- The First Cholera Pandemic – 100,000 katao rin ang namatay dahil sa sakit na ito na ang tinamaan ay mga bansa sa Asya tulad ng Indonesia, Thailand, at Pilipinas.
1920- The Spanish Flu – nagsimula ito noong 1918 na tumagal hanggang 1920. May kinalaman ito sa H1N1 influenza virus kung saan halos 500 milyong katao ang na-infect. At ayon sa Wikipedia, umabot sa 100 million ang death toll nito, dahilan para masabing ito ang pinaka- nakamamatay sa human history.
2020- Coronavirus – hanggang ngayon, patuloy pa rin sa pagtaas ang mga bilang ng mga namatay na rito. Pinag-aaralan pa rin kung saan at kung paano nagkaroon nito, pero nauna nang nabalita na nakuha ito ng mga tiga-Wuhan dahil sa pagkain ng mga wild na hayop tulad ng paniki, wolves, mga aso, at kung anu-ano pa na hindi dapat kainin.
Kung inyong papansinin, palaging natatapos ang mga taon sa ‘20’ at nagkakaroon ng mga sakit kada-tuwing isang siglo.
Konektado nga kaya ito sa mga nangyayari ngayon sa ating mundo? Kung meron man, ano nga kaya ang misteryo sa likod nito.