Natural lamang na maging masaya ang kuwentuhan ng isang relasyon o mga kaibigan na hindi maging bitter katulad ng iniinom na kape. Masarap din ang kuwentuhan ng mag-asawa lalo na ang marinig ang good news kung ano ang nangyayari sa kani-kanilang maghapon.
Sa kabila na magkaiba ang temperament o ugali nina misis, mister, o ng ibang tao ay hindi nabubuo ang araw kapag walang naririnig na magandang nangyari sa iyong partner. Kahit sa simpleng paraan na nairaos ang trabaho at makauwi ng bahay. Hindi nawawala ang mga alalahanin at problema sa pamilya. Minsan ay malayo si mister na nasa ibang bansa, pero ang lungkot ay napapawi kapag narinig lang ang boses ng asawa. Ayon sa psychologist, ang pag-share ng good news ay indikasyon na masayang pagsasama. Bigyan ng compliment si mister o misis na hindi puro reklamo at problema na lang ang huntahan. Sa huli, magkaroon ng ilang minuto na pag-usapan naman ang kahit anong maliit na tagumpay na puwedeng ipagbunyi. Sa kabila ng problemang kinakaharap ng bawat indibidwal at pamilya laban sa coronavirus ay marami pa ring dapat ipagpasalamat na nairaraos na may victory na hindi nagkakasakit o nahahawa ang pamilya.