Hindi maiiwasan ang magkaroon ng mantsa sa mga kisame lalo na ngayong paulan-ulan kahit tag-init. At hindi rin madaling malaman kung may tagas ang ating mga bubungan.
Kung nagkakaroon ng ganitong problema, huwag mag-alala maaaring gumamit ng homemade stain remover. Ang kakailanganin lang dito ay tubig, bleach, at spray bottle. Maghalo lang ng 10% bleach at 90% water para sa solution. Ilagay ito sa spray bottle at alugin para mahalo.
Bago mag-spray ay lagyan muna ng plastic ang mga dingding na katabi ng kisameng iispreyan maging ang sahig ay puwedeng lagyan ng newspaper para maproteksyunan ang mga ito. Magsuot din ng goggles para proteksyon sa mata.
Simpleng i-spray lang ang solution at maghintay ng isa o dalawang araw. Magugulat na lang kayo na malilinis at mawawala ang mantsa sa kisame.
Pareho itong tumatalab sa mga flat at may texture na kisame.