Leche flan with a twist

Paboritong panghimagas ng mga Pinoy ang leche flan dahil bukod sa mura lang ang kakaila­nganing budget ay mabilis pa itong gawin. Gawa ito sa itlog, gatas at arnibal.

Kilala rin ito sa iba’t ibang lugar partikular na sa Europe.

Sangkap:

10 pieces raw eggs

1 small can condensed milk

1 cup fresh milk (or evaporated milk)

1 cup granulated sugar

1 tsp vanilla extract

Ihiwalay ang pula ng itlog (ito lamang ang gagamitin). Pagkatapos ay haluing mabuti ang pula ng itlog at saka ihalo ang condensed milk. Ilagay na rin ang fresh milk at vanilla extract.

Sa llanera, ilagay na ang naihandang arnibal at saka ilagay ang mixture ng leche flan.

I-steam ito ng 30 minuto.

Magpatulong din sa nakatatanda at nakakaalam ng recipe para masunod ng tama ang instructions.

Maaari itong ipangmerienda at gawing negosyo ngayong summer. Kung para sa inyo ay bo­ring na ang plain recipe ng leche flan, maaari ninyo itong lagyan ng fresh fruits o kaya naman ng blueberry/strawberry toppings sa ibabaw. Burp!

Show comments