Sense of freedom
Kapag mayroong inner peace sa puso ay nawawala ang stress, nerbyos, at kawalan ng pasensya. Upang maharap naman nang maayos ang mga activities araw-araw.
Kung mayroong kalmadong thought ay napipigilan na mag-entertain ng negatibong pag-iisip, pag-aalala, o takot. Napapakawalan din ang mga pagkadismaya at negatibong emosyon. Napapalaya rin ang sarili sa fear at worries na hindi naman talaga nakatutulong kundi nagpapai-stress sa ‘di ma-solve na problema.
Higit sa lahat ay nababawasan ang pagiging judgmental o pagpintas sa sarili at sa ibang tao.
Sa pagkakaroon ng inner peace ay mas nagpapakita ng maraming kabutihan. Nagkakaroon rin ng sense of freedom mula sa panirang negative thoughts upang mas maging masaya ang buhay. Nagkakaroon ng abilidad na ma-enjoy ang kalmadong isipan kahit sa hectic na sitwasyon.
Sa kahit na anong oras at lugar ay puwedeng simulan na matutunan ang pagkakaroon ng inner peace kahit may banta ng coronavirus. Hindi kailangang maghintay ng ideal na kondisyon. Kahit busy ang buhay, trabaho, gawaing bahay, maraming responsibilidad, at maraming problema ay maaari pa rin piliin na magkaroon ng inner peace. Ang tamang lugar at tamang oras sa inner peace ay ngayon kahit ano pa ang kalagayan ng buhay.
- Latest