Sexting ng teenager

Tumataas ang bilang patungkol sa teen sexting na hindi sekreto ay dahil sa paggamit ng smartphones kung kaya nanatiling ko­nektado sa mga ka-chat ang mga anak na hindi lang sa kanilang friends o classmates nakikipag-usap kundi pati sa ibang tao sa mundo.

Sa paggamit ng social media, texting,  at video na kadalasan ay komportable ang mga teenagers na ginagamit ang techonology sa pagpaplano, magkaroon ng kaibigan, at na-engage sa romantic na relasyon. Hindi na uso na kinakausap ang magulang para manligaw sa kanilang mga anak. Hindi na rin uso na nag-aalala ang magulang kung sino at gaano katagal ang pag-uusap na gamit ang landline. Ngayon ay unlimited na ang phone calls at chatting para magkakilanlan ang isa’t isa. Moderno na ang mga teen­agers na instant ang connection at komportable nang nakikipag-usap sa loob ng kanilang kuwarto.

Hanggang sa mauwi na sa sexting ang usapan ng teenagers minsan ay hindi lang kasing edad nila ang kausap, bagkus madalas ay maraming mas malaki ang agwat ang edad na sinasamantala ang mga kabataan. Sa sexting ay nagpapadala ng mga sexual na malalaswang messages, photos, o videos sa kahit anong  digital device. Kasama na ang hubad na katawan, pinag-uusapan ang sex acts, at nagpapapukaw ng kamunduhang pagtatalik.

Ang mga teens at mas murang edad na bata ay mabilis na nadadala sa phones at tablets gamit ang social media, messaging, at ibang apps para makipag-usap. Mataas ang panganib ng kanilang exposure sa sexting o malalaswang usapan na dapat ay malaman ng mga magulang at educators. Kailangang magkaroon ng setting ang phones ng mga anak na hindi rin sila magkaroon ng access sa panonood ng porns. Wala rin dapat password ang CP ng teenagers. Tuwing gabi ay kumpiskahin ang mobile phones. Kung hindi masaway ay kunin na ang smartphones ngayong bakasyon lalo’t hindi na kailangang magamit para sa kanilang assignment at project.

 

Show comments