Nabubulabog na inner peace

Kahit busy ang buhay araw-araw ay maaari pa rin magkaroon ng kapayapaan sa puso.  Kapag kalmado at peaceful ay mas nagiging kuntento, masaya, at optimistic. Ang katawan ay mas nagiging relax. Mas nagiging efficient at productive sa araw-araw na ginagawa sa buhay.

Ang inner peace ay nagpapakalma rin ng emosyon, nababawasan ang nerbyos, at nagdudulot ng happiness.

Sa isang banda, may mga nakakasalamuhang tao na nagpapabulabog ng ating peace at dahilan din ng hindi kailangang stress, nawiwindang, at kalungkutan.

Katulad din kapag ang isang tao ay pinagmumulan ng iyong inis, pinipintasan ka, napapaisip ng kanyang mga sinabi, at nagpapasira ng iyong katahimikan.

Ganundin kapag mayroong negatibong iniisip, natatakot, nag-aalala, at madalas na naguguluhan. Natatakot na mawalan ng trabaho. Nag-aalala sa kalusugan mo o sa taong malapit sa iyo. Madalas maraming dahilan ng stress, in tense, hindi mapakali, at walang pokus na nagpapasira ng iyong quality ng buhay.

Sa pagkakaroon ng kapayapaan ay nakatutulong na makalaya ang sarili sa mga nakaiinis at panira ng iyong inner peace.

Show comments