^

Para Malibang

Respiratory etiquette ng anak

TINTA NG MASA - Lanie B. Mate - Pang-masa

Kahit ang mga bata ay curious na nagtatanong kung ano ang naririnig nila sa balita at social media tungkol sa coronavirus. Importante na kausapin ang mga anak patungkol sa mapanganib na virus.

Puwedeng mukhang hindi apektado ang mga bata at walang sakit, pero unahan na educate kung paano puwedeng mahawaan ng COVID-19 virus ang anak.

Mahalagang maging tapat na turuan ang mga kids ng mga dapat gawin upang maiwasan ang anomang virus o sakit. Turuan ang anak ng good respiratory etiquette at hand hygiene.

Tulad na paalalahanan ang mga anak na huwag munang mag-share ng pagkain, drinks, makeup sa kanilang mga kaibigan o classmates. Sabihan na magtakip ng bibig at ilong kapag uubo o babahing. Gawin ang “dracula” style na itatapat sa kanilang braso o bisig ang bibig o ilong kung napauubo o hahatsing. Kapag maghuhugas ng kamay ay 20 seconds bago at pagkatapos kumain. Iwasan na hawakan ang kanilang mukha. Kumain ng gulay o prutas, huwag magpupuyat, at umiwas sa mga may sakit.

Mahalagang empower ang ating mga anak nang sapat na kaalaman patungkol sa COVID-19 upang mailayo rin ang mga kids sa mabagsik na virus.

ANAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with