Alcohol at hand sanitizer

Hindi maiwasan na mag-panic mode ang mga tao sa coronavirus sa bilis ng pagkalat ngayon sa bansa. Hindi mahalaga kung ang pinag-uusapan ay tungkol sa coronavirus, bacterial infection, at kahit anomang klase ng sakit.

Ang abilidad na laba­nan ang mga sakit ay depende sa lakas ng inyong immune system. Ang immune system ay natural na nagsisilbi na parang machine na pamatay ng mga uri ng sakit. Pina­panatili nitong healthy at labanan ang mga foreign invaders gaya ng virus at bacteria.

Kailangan din ng extra effort na mapanatili ang hygiene gaya ng panatilihing paghuhugas ng kamay. Kung walang tubig at sabon ay gumamit ng alcohol o hand sanitizer na parehong nakatutulong na gawing inactive ang maraming germs. Ngunit ang alcohol ay saglit lang ang epekto sa kamay pagkatapos matuyo na inaalis ang ilang dumi sa kamay, kumpara sa hand sanitizer na mas matagal, pero hindi rin napapatay ang lahat ng mga types ng germs. Mas epektibo pa rin ang paghuhugas ng kamay na gumamit ng sabon at tubig na tinatanggal ang lahat ng klase ng germs.  Konti lang din dapat ang paglalagay ng hand sanitizer, dahil kapag napasobra ang dami ay nagiging greasy o oily na hindi epektibo sa pagpuksa ng germs. Kapag sobra naman ang paggamit ng hand sanitizer ay tumataas ang level ng pesticides sa katawan.

Kung wala ngang tubig at sabon ay gumamit lamang ng at least 60% ng alcohol-based hand sanitizer habang nasa labas ng bahay.

Show comments