Bangus steak, swak sa budget!
Ang bangus steak ay isa ring version ng bistek Tagalog. Ang kaibahan lamang, imbes na baka ay bangus ang ginagamit. Maaaring gumamit ng iba’t ibang klase ng isda sa dish na ito pero ngayon ay pipili tayo ng boneless bangus.
Ingredients:
4 na slice ng bangus belly
1 malaking sibuyas
Calamansi/lemon juice
Bawang
Luya
Asin at paminta
1/4 cup ng toyo
1/4 cup ng tubig
cooking oil para sa pagpiprito
Paraan ng pagluluto:
1. Iprito ang bangus hanggang mag-medium brown ang kulay nito.
2. I-set aside ang isda.
3. Magtira ng kaunting mantika para igisa ang bawang, sibuyas at luya.
4. Ilagay ang toyo, tubig at calamansi/lemon juice. Haluin nang mabuti. Muling ilagay ang prinitong isda at iluto ng tatlong minuto.
5.Pagsaluhan kasama ang mainit na kanin. Burp!
(source: panlasangpinoy.com)
- Latest