Hindi healthy sa pakiramdam kapag masyadong binababa at pinipintasan ang sarili. Nagpapaikli ito ng buhay at nagkakaroon ng kondisyon ng pagkabalisa at depression. Alin man sa anxiety o depression ay hindi nagpapabuti sa isipan o emosyal na sitwasyon. Kapag napansin na nagsisimula pa lang na mag-isip ng negatibo ay itama na ang sarili.
Sa actual na kalagayan kapag may isyu na hindi sigurado ay pinagdedebatihan muna hanggang mapatunayan ang usapin kung tama o hindi. Ganundin sa ating sarili na nagkakaroon ng internal monologue. Inaakala na lahat ng iniisip at ideas ay 100% na tama, pero ang totoo ay hindi lahat.
Hanggang sa gusto sana natin paniwalaan sa sariling isipan na laging totoo, pero minsan ay fake news din naman. Ang mga specific na negative at hindi totoong iniisip ay tinatawag na “cognitive distortions” na baluktot na isipan. Specific din na nagtutulak na magkaroon ng negative thinking na nagiging pattern kahit walang basihan ay nagmumukhang tama na pinapaniwalaan ng sarili. Pinipintasan ang sarili, dina-down, at pinapahina ang kalooban; pero malayo ito sa katotohanan dahil marami pang positibong magagawa.
Ang payo ng mga psychologists, huwag matakot na sabihin sa sarili na mali ang iniisip. Lalo na kung self-defeating na tinatalo ang sarili. Kailangang maka-recover na ibalik ang best-self na may positibong pananaw sa sariling pagkatao. Importante na maging aware kapag masyadong pinipintasan ang sarili. Huwag mag-entertain ng negatibong pag-iisip bagkus kung nagkamali o pumalpak man ay mag-move on agad.