Ate madamot sa mga kapatid
Dear Vanezza,
Hindi makapagtrabaho ang dalawang anak ko dahil sa kanilang karamdaman. Humihingi ako ng maliit na sustento sa panganay ko na mapalad na nagtatrabaho sa U.S. na malaki ang suweldo. Sobrang ganda ng buhay at trabaho niya sa Amerika. Pero iba na ang kanyang pag-iisip at ugali ngayon na naging mayabang at madamot. Naawa ako sa dalawang anak ko at kung paano sila tinitiis ng kanilang ate. Paano na kung patay na ako, baka hindi na sila magtulungang magkakapatid. Ano ba ang gagawin ko? - Mrs. Benz
Dear Mrs. Benz,
Bakit hindi mo subukan na ipadala ang reseta ng doktor para sa kalagayan ng dalawang anak mo kay ate. I-send ang kanilang pictures at ipakausap sa kanya sa video call. Upang baka sakali na maawa si ate sa mga kapatid niya. Ipanalangin na gumaling ang mga anak at magbago rin ang puso ng kanilang kapatid na marangya ang buhay na tumulong kahit paano. Unawain din ang kalagayan ni ate sa U.S. na baka nagtitipid o gastusin. Saka patuloy na paalalahan ang mga anak na magdamayan sa hirap at ginhawa lalo na kung may problema ang isa’t isa.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest