Bumuti ba ang sitwasyon ng mga kababaihan ngayong hi-tech na panahon?
“Oo naman mas may boses na ang mga babae ngayon na nasasabi ang kanilang opinyon. Hindi tulad dati na walang karapatan na sumali sa usapan ng bayan.” - Minona, Manila
“Hindi pa rin, yung nanay ko hanggang ngayon nagsisilbi pa rin sa tatay ko at sa bukid lang nagtatrabaho. Ayaw pa rin siya payagan ng tatay ko na humawak man lang ng cell phone. Kundi taong bahay lang siya katulad rin ng ibang babae. Mas worst panga ang trato kahit modern days na.” - Lotis, La Union
“Malaki na ang naiunlad ng mga babae na nagtatrabaho na sa abroad, Malacañang, Senado, businesswomen, at the same time ay nanay at ilaw pa rin ng tahanan.” - Berna, Rizal
“Parehas lang. Kahit¹ noong unang panahon ay mabuti naman ang kalagayan ng mga babae. Kahit pa may limitasyon at diskriminasyon. Ang babae ay kayang mag-adjust sa kahit anong sitwasyon maging old school o modernong panahon. Walang dapat patunayan ang babae kahit ngayong modern world dahil alam ng babae ang worth niya bilang tao.” Ghie, Batangas
“Natuto na ang babae na hindi nagpapaapi kaya mas maganda ang future dahil mas palaban at productive na ngayong hi-tech na ang mundo.” - Gab, Mindanao
- Latest