Benepisyo ng vitamin C
Globally ay patuloy na tumataas ang bilang ng mga namamatay sa coronavirus. Habang patuloy rin ang nakatatakot na pandemic ay marami rin ang naospital dahil sa influenza virus. Ang nasabing flu ay mas nauna pa sa pinagtutuunang pokus ngayon na coronavirus. Ang dalawang virus ay may parehong common denaminator na puwedeng panlaban sa ganitong sakit, ito ang vitamin C.
Kapag kulang sa vitamin C ay mas madaling mahawaan ng virus. Sa pag-aaral ang deciency sa vitamin C ay inuugnay na mas mataas ang panganib sa matinding infection.
Ang vitamin C ay powerful na antioxdiants upang maiwasan na magkasakit. Pinalalakas ang immune system na hindi masira ng mga free radicals. Ang vitamin C ay panlaban sa mga infection.
Kailangan lamang malaman na hindi lahat ng vitamin C ay ginagawang equal. Madalas ang tao ay bumibili ng vitamin C tablet, pero walang sapat na benepisyong bitamina bilang major nutrients na nakukuha ng katawan.
Hindi naman kailangang gumastos ng malaki sa halip na ang regular na pagkain ng masustansyang mga gulay at prutas na mayaman sa vitamin C ay magsisilbing proteksyon ng buong pamilya.
- Latest