Base ito sa Indian Feng Shui
Tuyot ang lupa at walang nabubuhay na tanim.
Ang anino ng katabing temple or chapel ay tumatama sa loteng ibinebenta sa iyo.
Laging naglalatite (basa at matubig) ang lupa.
May katabing tulay at mataas na building.
Maraming lamat (crack) ang lupa.
Ang lote ay dating pinagtayuan ng temple, ospital, sementeryo.
May nahuhukay na buto ng hayop o tao sa lupa. Ibig sabihin, hindi sementeryo pero laging pinaglilibingan ng patay na hayop o tao.
Kung ang lupa o bahay ay dating pag-aari ng na-bankrupt sa negosyo, may mabigat na karamdaman, may lahing baliw.
Dagdag Feng Shui Tips:
Ang bagong tayong bahay ay dapat lipatan at tirahan kaagad kung ito ay kumpleto na ang construction. Kung iiwang bakante ang bahay ng more than 3 months mula nang ito ay matapos ang construction, ang epekto sa may-ari ay bad health, loss of wealth at legal problems.