^

Para Malibang

Mga unggoy sa bali may kakaibang ugali

HAYUP SA GALING - Pang-masa

Nauna nang nai­tampok sa kolum na ito ang kakaibang habit ang ilang Macaque Monkeys na naninirahan sa nagyeyelong lugar sa Japan.

Maniwala man kayo o hindi, natutunan na ng unggoy na ito na “magnakaw” ng wallet. Inaalis nila ang anumang barya sa wallet na kanilang makukuha para ipambili ng inumin o makakain sa vending machines na malapit sa kanilang tirahan.

Hindi naman lahat ng mga unggoy na ito sa Japan ay ganito ang ginagawa, kung minsan ay mismong mga turista rin ang nagbibigay sa kanila ng barya para ipangbili ng pagkain sa vending machines.

Samantala, iba naman ang ginagawa ng mga unggoy na naka­tira malapit sa Uluwatu Temple sa isla ng Bali.

Ninanakaw kasi nila ang kahit na anong bagay na kanilang magustuhan sa mga turista tulad ng bag, sunglasses, sumbrero at iba pa.

“It’s a unique behaviour. The Uluwatu Temple is the only place in Bali where it’s found,” sabi ni Fany Brotcorne, isang primatologist sa University of Liège sa Belgium.

Pinaniniwalaang ginawa nila ito dahil ginagaya nila ang mga turistang nakakasa­lamuha nila.

UNGGOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with