Dear Vanezza,
Naiwan ang anak ko sa tatay ng boyfriend ko, pero nagkaroon na siya ng pamilya. Gusto ko sanang hiramin ang anak ko para makasama ng kanyang mga kapatid. Ang problema ay pinagdadamot niya sa akin ang 4 year old kong anak. Bilang nanay ay gusto kong makasama ang anak ko bago ako bumalik ng Dubai. Ano ba ang dapat kong gawin? - Rachel
Dear Rachel,
Kung hindi siya pumayag ay lumapit sa inyong baranggay upang sila mismo ang pumagitan para maayos na mahiram ang iyong anak.
Sumasainyo,
Vanezza