Positibong boundaries sa bata
May paraan upang lumaking healthy emotionally ang anak. Malaki ang maitutulong kung positibo ang pagpapalaki ng magulang.
Katulad na huwag makulitan sa mga tanong ng mga bata o teenager. Bagkus ay hayaan minsan na mismo ang anak ang makadiskubre. Imbes na ibigay na lang ang mga sagot sa kanila. Hindi rin ikamamatay ng anak kung hahayaan siyang mahirapan minsan sa kanyang mga activities. Kung laging si nanay ang maghuhugas ng pinggan na katuwiran na ayaw mahirapan ang anak, paano siya magiging responsable sa maliit na bagay.
Pahalagahan din kung paano natututo ang anak. Kahit sa paraan na matalo sa kanyang laban sa school at sports game.
Higit sa lahat ay bigyan ng importansya ang boses ng mga kabataan. Pakinggan ang kanilang suggestions, opinion, at simpleng comment na may respeto at pagmamahal.
Mag-set lamang ng boundaries sa positibong paraan na hindi kailangang ipahiya o sisihin ang mga anak.
- Latest