^

Para Malibang

Nagkakasakit dahil kulang sa sex

Pang-masa

Walang question kung bakit ang babae ay naghahangad ng orgasm. Hindi lamang nagbibigay ng feeling great ang sex, kundi ito ay may mabuting epekto sa katawan na nakamamangha. Kabaligtaran din kapag tigang o matagal na walang sexual pleasure na apektado rin ang ilang aspeto ng buhay sa araw-araw. Bagama’t biruan na kapag nagsusungit o mainit ang ulo ay sinasabing kulang lang ang indibidwal sa sex, pero may bahid ito ng katotohanan.

Katulad kapag napansin ang mabilis na signs of aging kaysa sa inaasahan. Ang isang benepisyo ng sex ay tinatawag na collegen generation. Ang isa sa magandang epekto ng sex sa lalaki man o babae ay nagpapabata na nagpapaganda ng balat.  Nagkakaroon ng kakaibang glow sa aura ng indibidwal na parang bulaklak na nadidiligan sa mga kababaihan at nagpapalukso ng dugo sa mga kalalakihan na parehong nagbibigay ngiti sa kanilang mga labi kaya mas lalong nagmumukhang bata. Napapansin na nawawala ang tigyawat at nagiging mukhang fresh ang balat sa mukha. Dahil ang amount ng progestrone na napo-produce habang nagtatalik ay tinatanggal ang acne at nagpapakinis ng balat, pero hindi naman lahat at least ay nababawasan ang tigidig sa mukha.

Huwag din basta uminom ng kahit anong painkillers. Subukan ang natural na pamatay ng sakit sa pamamagitan ng sex. Ang babae na kulang sa sex ay mababa ang level ng oxytocin at estrogen. Kapag mababa ang levels ng nasabing hormones ay mas nagdedepende sa mga analgesics.

Sa research, ang sex ay napaka-powerful na nagpapawala ng migraine sa lalaki o babae. Kung kulang sa sex ang tendency ay laging nagkakasakit at ang remedyo ay buhayin nang madalas ang iyong sex life.

Ang sex ay nagpapa-relax sa kahit anong activity, nagpapaganda ng tulog, at hindi nga nagkakasakit ng madalas. Sino ba ang hindi gustong maging healthy at the same ay nagkakaroon ng time na ma-enjoy ang moment ng mag-asawa sa kama.

Oras na muling bigyan ng spark ang natutulog na sexual desire na kalibitin at kilitiin si misis at mister upang parehong humaba ang buhay.

SEX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with